Tuesday, November 6, 2007



GMA-JFP movement inilunsad ni Cotabato Congressman Piñol



Bilang pagtupad sa kanyang pangakong na isusulong ang agrikultura sa buong lalawigan ng Cotabato, inilunsad ni Cotabato 2nd District Representative Bernardo F. Piñol, Jr. ang programang "Gobyerno sa Maluntarong Agrikultura-Justice and Freedom from Poverty (GMA-JFP).
Ayon sa baguhang Kongresista, ang nasabing programa ay naka-align sa vision ng Pangulong Arroyo para sa Mindanao na maging agribusiness hub ng bansa, na kanyang inilahad sa SONA 2007. Sa pamamagitan ng programa, makakaasa ang mga magsasaka sa lalawigan ng tulong gaya ng fertilizers at seedlings ng priority crops tulad ng rubber, coconut, banana at palm oil.
Binigyang-diin ni Congressman Piñol na ang pagtatanim ng mga nasabing sustainable crops ay malaking tulong hindi lamang para sa mga magsasaka ng lalawigan kundi pati na rin sa economic upliftment ng Mindanao regions.
Nananawagan din si Piñol sa lahat ng mga magsasaka ng Cotabato na mag-avail na ng kanyang isinusulong na programang pang-agrikultura sa kondisyong "Plant Now Pay Later" scheme na nauna nang ipinatupad noon ng lalawigan sa pamumuno ni former governor Emmanuel Piñol. (PIA )

No comments: